Noli Me Tangere
-
Upload
isaiah-raphael-pineda-osano -
Category
Documents
-
view
236 -
download
18
Transcript of Noli Me Tangere
Noli Me Tangereni Dr. Jose Rizal
Panayam nina: Osano, Isaiah Raphael P.Lingcon, Giselle Easter I.Filipino 14 - F
Jose Rizal• Ipinanganak noong ika-19 ng Hulyo, 1861• Talentado at maraming kaalaman sa sining:
pagsulat, pagpinta, at marami pang iba• Naisulat ang Noli Me Tangere at El
Filibusterismo na pumukaw sa mga Pilipino• Ipinatay noong ika-30 ng Disyembre, 1896• Ating pambansang bayani
Noli Me Tangere• Sinimulang isulat noong 1884 sa Madrid,
ipinagpatuloy sa Paris at tinapos sa Berlin noong 1887
• Bunga ng pagbasa ni Rizal ng Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beacher Stowe
• Binalak ni Rizal na ang mga bahagi ng nobela ay ipasulat ng mga kababayan hindi nagkaroon ng katuparan
• Sinarili ni Rizal ang pagsulat nito• Noli Me Tangere (Latin) sa Filipino: Huwag Mo Akong
Salingin
Mga Tauhan• Crisostomo Ibarra
– ang pangunahing tauhan sa nobela– binatang nag-aral sa Europa– nangarap na makapagpatayo ng paaralan sa San Diego
• Kapitan Tiyago– magangalakal na taga-Binondo
• Padre Damaso – isang kurang Pransiskanong inilipat sa ibang parokya matapos
maglingkod nang matagal na panahon sa bayan ng San Diego
• Padre Sibyla– kurang pumalit kay Padre Damaso
• Pilosopo Tasyo– maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng
San Diego
Mga Tauhan• Don Tiburcio de Espadaña
– isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran
• Doña Victorina de Espadaña– asawa ni Don Tiburcio– Babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa
mukha maling pangangastila
• Don Rafael Ibarra– ama ni Crisostomo Ibarra– nakainggitan ni Padre Damaso dahil sa kanyang yaman kung kaya siya’y
tinaguriang erehe
• Tinyente Guevarra– matapat na tinyente ng mga Guardiya Civil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa
kasawiang sinapit ng kanyang ama
• Elias– piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at
ang mga suliranin nito.
ISANG PAGTITIPONKabanata 1
Kabanata 1: Isang Pagtitipon• Isang marangyang salu-salo ang ipinagdiwang ni
Kapitan Tiyago sa kanyang bahay.• Kasali sa mga bisita: Padre Sibyla, Tinyente
Guevarra, Padre Damaso, Crisostomo Ibarra, Don Tiburcio at Donya Victorina
• Isa sa mga bisita ang isang dayuhan na kararating lamang sa bansa at itinatanong ang asal ng mga Indiyo o mga katutubong Pilipino.
• Nagkaalitan sila ni Padre Damaso. Sinabi ni Damaso na ang mga Indiyo ay mga indolente. Naging mapanlait siya sa mga Pilipino.
Kabanata 1: Isang Pagtitipon• Ibinanggit ang tungkol sa pagkakalipat ni
Padre Damaso sa ibang bayan kung kaya’t nagalit siya at nagkaroon ng alitan sa tenyente.
• Sinikap ni Padre Sibyla na pakalmahin ang dalawa.
Pagsusuri sa Kabanata 1• Ang buong kabanata ay naglalarawan sa bahay
ni Kapitan Tiyago na kung saan inihahambing ito ni Rizal sa mga Pilipino.
• Ang bahay ay bukas para kanino man, tanda na pagiging bukas ng mga Pilipino. Ngunit nagpapakahulugan din ito ng pag-uugali ng mga Pilipino na dumalo sa isang salu-salo kahit hindi inimbitahan.
• Ang mga palamuti sa bahay tanda rin ng ang karangian.
Pagsusuri sa Kabanata 1• Ang pagiging tradisyunal na bahay ay
nagdudulot ng konserbatismo na ang mga Pilipino ay hindi madaling makakaroon ng mga makapanibagong konsepto.
• Naipapakita sa alitan ni Padre Damaso at ng tenyente ang kawalan ng pagkakaisa ng pamahalaan at ng simbahan. Iiba ang pananaw ng dalawang sektor ng lipunan.
Pagsusuri sa Kabanata 1• Ang pagiging tradisyunal na bahay ay
nagdudulot ng konserbatismo na ang mga Pilipino ay hindi madaling makakaroon ng mga makapanibagong konsepto.
• Naipapakita sa alitan ni Padre Damaso at ng tenyente ang kawalan ng pagkakaisa ng pamahalaan at ng simbahan. Iiba ang pananaw ng dalawang sektor ng lipunan.
CRISOSTOMO IBARRAKabanata 2
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra• Ipinakilala ni Kapitan Tiyago si Crisostomo
Ibarra: – anak ng kanyang kaibigang kamamatay lamang– kararating lamang niya buhat sa pitong taong pag-
aaral sa Europa
• Akala ni Ibarra na si Padre Damaso ay matalik na kaibigan ng kanyang ama, ngunit itinanggi naman ito ng prayle.
Kabanata 2: Crisostomo Ibarra• Nag-usap si Ibarra at ang tenyente. Ikinagalk
naman ni Ibarra ang pagpupuri sa kanyang ama. Lumayo ang tenyente nang napatingin si Padre Damaso sa kanya
• Nagpakilala si Ibarra sa iba pang mga bisita sapagkat walang kumausap sa kanya.
• Si Kapitan Tinong ay nagpakilala bilang isang matalik na kaibigan ng ama ni Ibarra at inanyayahan siyang dumalaw sa bahay nila sa Tondo. Ngutit tumanggi si Ibarra.
Pagsusuri sa Kabanata 2• Si Don Rafael ang taong pinagbintangan ni
Padre Damaso bilang erehe. Ito ang dahilan kung bakit namutla si Padre Damaso sa pagkakakita na ang kararating na binata ay anak ni Don Rafael.
• Ipinasok ni Ibarra ang isang kaugaliang banyaga sapagkat kinailangan niya ito. Ito’y nakakapagsabi na ang binata ay may maraming kaalaman sa mga bansang pinuntahan niya.
Pagsusuri sa Kabanata 2• Hindi ginigising ang inspirasyon upang
mangayupapa’t magsinungaling. Ang pagbabanggit ng katotohanan noon sa mga akda marahil ay ipinagbabawal sapagkat maaaring ibulgar ang mga katiwalian sa pamamahala ng mga Kastila.
ANG HAPUNANKabanata 3
Kabanata 3: Ang Hapunan• Pinakain na ang mga dumalo. Naupo si Ibarra
sa kabisera, at sa kabilang dulo naman, pinag-aawayan nina Padre Damaso at Padre Sibyla kung sino ang mauupo sa isa pang kabisera.
• Nang inihain na ang hapunan, napansin ni Padre Damaso na malaman na parte ng ulam ang ibinigay kay Ibarra, ngunit sa kanya ay ang mga pangit na parte.
Kabanata 3: Ang Hapunan• Ikinuwento ni Ibarra ang tungkol sa kanyang
pangingibang bansa dahil sa kanyang pag-aaral. Sinabi niyang mahalagang pag-aralan ang kasaysayan ng bansang pupuntahan.
• Tumutol si Padre Damaso sa mga sinabi ni Ibarra. Para sa kanya, nag-aksaya lamang ng pera si Ibarra.
Kabanata 3: Ang Hapunan• Pagkatapos ng hapunan, ninais ni Ibarra na siya
ay umalis na, ngunit pinigilan siya ni Kapitan Tiyago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Ngunit umalis pa rin si Ibarra at nangakong bumalik kinabukasan.
• Ikinasiya ni Padre Damaso ang pag-alis ni Ibarra. Sinabi niyang dapat ipagbawal na ng pamahalaan na mangibang bansa ang mga Indiyo upang mag-aral sapagkat nagiging mapagmataas lang sila.
Kabanata 3: Ang Hapunan• Sa kahulihan, ang binatang kararating pa
lamang sa bansa (naitampok na mula sa unang kabanata) ay nabanggit na nagsulat tungkol sa nangyari sa hapunan.
Pagsusuri sa Kabanata 3• Tulad ni Rizal, noong siya’y nangibang bansa,
pinag-aralan muna ni Ibarra ang kasaysayan ng bansang pupuntahan niya.
• Nandito rin ang kinaugalian ng mga Pilipino na ang maybahay ay hindi makakasalo sa kanyang mga bisita. Isa sa mga kadahilanan ay ang kakulangan ng upuan sapagkat dumalo rin ang ibang panauhin na hindi inimbitahan.
Pagsusuri sa Kabanata 3• Tulad ni Rizal, noong siya’y nangibang bansa,
pinag-aralan muna ni Ibarra ang kasaysayan ng bansang pupuntahan niya.
• Nandito rin ang kinaugalian ng mga Pilipino na ang maybahay ay hindi makakasalo sa kanyang mga bisita. Isa sa mga kadahilanan ay ang kakulangan ng upuan sapagkat may mga dumalo na hindi kasama sa mga inimbitahan.
Pagsusuri sa Kabanata 3• Sa pagkakabanggit sa ginawa ng binatang
kararating pa lamang sa bansa, inilalahad dito ni Rizal na ang nagtatala ng kasaysayan ng bansa noon ay isang dayuhan, na may kaunting kaalaman lamang.
SA BAHAY NG PILOSOPOKabanata 26
Kabanata 26: Sa Bahay ng Pilosopo• Pagkatapos niyang dalawin ang kanyang
lupain, dumalaw si Ibarra sa tahanan ni Pilosopong Tasyo.
• Naabutan niyang nagsusulat ang matanda sa pamamaraang heroglipiko.
• Humingi ng payo si Ibarra mula kay Tandang Tasyo ukol sa plano niyang pagpapatayo ng paaralan.
• Nag-usap sila at nagpalitan ng sariling mga opinyon.
Pagsusuri sa Kabanata 26• Sa panahong Kastila, ang nagsasabi ng totoo at
ng para sa kabutihan ay tinuturing na baliw sapagkat hindi ito ang pag-iisip ng mga tao.
• Ayaw ng mga Kastila na may matalino at edukadong tao para hindi sila mahigitan at mapigilan.
• Ang kamangmangan ng mga Pilipino noon ay nagpapanatili sa pagiging makapangyarihan ng mga Kastila, sa gobyerno man o sa simbahan.
Pagsusuri sa Kabanata 26• Magiging isang magandang ideya ang
pagsunod muna sa payo ng pamahalaang Kastila at ng simbahan, upang maipalabas ang pagiging masunurin sa kanila .
• Walang nagmamahal sa kahubdan ng hubad na katotohanan. Paminsan-minsan, kinakailangnang damitan ng kasinungalingan ang katotohanan para ikakatagumpay ng isang mithiin.
Pagsusuri sa Kabanata 26• Ang pamahalaang Kastila ay lubos na umaasa
sa simbahang Katoliko.• Hindi dumaraing ang bayan sapakat walang
tinig. Napasailalim nang lalo ang Pilipinas sa kapangyarihang Kastila. Ang paghihirap ng bayan ay hindi na naririnig.
• Nawawalan ng bisa ang pagbabago at pagsasatuwid sa pamamahala ng bayan dahil sa kasakiman at kamangmangan ng mga mamamayan.
Pagsusuri sa Kabanata 26• Ang pagmamahal ni Rizal sa bayan at sa
pananampalataya niya kaya’t mahirap maging sunud-sunuran sa mga kaaway: ang pamahalaan at ang simbahan na rin mismo.
• Wala kayong lakas laban sa kanila. Mahina pa ang bayan upang mag-aklas laban sa mga Kastila at kinakailangang humalik muna sa mga kamay nila.
• Limutin muna ang ibang balak at humanap ng ibang paraan para sa ikabubuti ng sambayanan.
Pagsusuri sa Kabanata 26Pagtutulad at Simbolismo• Rosas: Kinakailangang yumuko muna nang sa
gayong hindi mabuwal kapag nilabanan. Hindi ito nagangahulugan ng pagkaduwag.
• Higanteng Kupang: Crisostomo Ibarra. Kung ilipat nang malaki na at malusog, ito’y mamamatay. Kinakailangang isang mahina at maliit na puno muna at dapat may tukuran at tulungan upang lumaki at lalago.
Pagsusuri sa Kabanata 26• Hindi katapangan kundi kapusukan ang
makibakang mag-iisa laban sa kairalan. Kailangan ng pagkakaisa, karunungan at sapat na kagamitan upang matagumpay na makakamit ang kasarinlan ng bansa.
MGA INUUSIGKabanata 46
Kabanata 46: Mga Inuusig• Pablo – Namatay ang kanyang mga anak dahil sa mga Kastila– Gustong maghiganti para sa kanyang mga anak– Bayaan mong magsanggalang sa sarili ang bawat isa!
• Elias– Gusto ring maghihiganti ngunit natatakot siyang
makasakit ng mga taong walang malay– “Ngunit sa pangamba kong makasugat ng kahit isang
walang alay ay minabuti kong limutin and akong mga kasawian.”
Kabanata 46: Mga Inuusig• Elias– Nagmungkahi na si Ibarra ang gawing sugo ng mga
hinaing ng bayan (dahil sa mga kaibigan e.g. Kapitan Heneral)
– Kahit ayaw ni Pablo nang una, nakumbinsi ni Elias si Pablo susubukin muna nila bago gumuwa ng madugong hakbang
– Kung wala silang matupad o walang pagpapatuloy, si Elias daw ay sasama kina Pablo
Pagsusuri sa Kabanata 46• Si Pablo ang nag-alaga kay Elias noong
panahong siya’y nasa estadong pagkabigla sa pagkakapatay sa kanyang pamilya
• Naging magnanakaw si Pablo dahil sa pagkakagahasa ng kanyang anak na babae, pagpapahirap sa isa niyang anak sapagkat pinagbintangan itong magnanakaw, at sa isa pa niyang anak na nagpatiwakal sapagkat hinuli ng Gwardia Civil dahil walang cedula
Pagsusuri sa Kabanata 46• Ipinakita sa kwento ni Pablo tungkol sa paano
namatay ang kanyang mga anak ang pag-aabuso ng kapangyarihan sa mga Kastila.
• Kahit na gusto rin ni Elias mag-aalsa na, may alinglangan at takot para sa mga taong walang alam. Ipinahayag ni Rizal dito ang kahalagahan sa pag-iisip ng karamihan kaysa sarili lamang.
Pagsusuri sa Kabanata 46• Hindi naghiganti si Pablo sapagkat siya’y
naduwag, at sinasabi niyang siya’y isang puno na walang mga sanga sapagkat wala na siyang mga anak
• Sinasabi ni Pablo na si Ibarra ay mayaman at marahil hindi niya kayang mawalan dahil lamang sa mga taong pinaghahanap ng pamahalaan dahil sa pagkakakasala
UGAT NI ELIASKabanata 51
Kabanata 51: Mga Pagbabago• Nuno ni Elias– isang tenedor de libro sa isang negosyanteng
Espanyol– may asawa at isang anak – pinaratangan ng Espanyol na siya ang nagsunog ng
bodega pinarusahan siya asawa niya naging puta nagpakamatay ang nuno ni Elias
– tumakas ang buntis na asawa at ang kanyang anak sa bundok
– nagsilang ang babae tumakas na naman sila
Kabanata 51: UGAT NI ELIAS• Balat – tiyuhin ni Elias nababaliw sa
paghihiganti nahuli at pinatay • Lola ni Elias – nagpakamatay pagkita ng putol na
ulo ni Balat• Ama ni Elias– pumunta sa lugar na hindi kilala ang kanyang
pamilya– nagtratrabaho doon at PROPOSED sa isang
mayamang dalaga– nalaman ng lahat ng tao ang kanyang pinagdaanan– nabilanggo dahil nito
Kabanata 51: UGAT NI ELIAS• Mayamang dalaga – buntis na kambal (babae
at lalaki) namatay• Ang kambal (si Elias at kapatid niyang babae) – hindi nila alam kung sino ang kanilang ama– magagandang kabataan dahil sa mayamang
ingkong– may alitan tungkol sa pera pinalabas ng isang
kamag-anak nila ang totoong angkan nila– nawala ang kapatid ni Elias patay na
Kabanata 51: UGAT NI ELIAS• Ibarra – naunawaan naman ang buong kwento ngunit ang
gusto ni Elias na rebolusyon ay “imposible” – kung magbabago man: sa pagtuturo, hindi sa
paglalaban– “Hindi nalulunasan ang kasamaan ng iba pang
kasamaan, at may kasalanan tayong lahat sa ating kasawian.”
Pagsusuri ng Kabanata 51• Sa kwento ni Elias, ipinakita ni Rizal ang mga
napakatinding parusa ng mga Kastila at paano ginamit lang nila ang mga Pilipino bilang dahilan sa mga masamang pangyayari
• Ipinahayag ni Rizal ang kanyang repormistang perspektibo sa pagsalungat ni Ibarra. Katulad sa mga pinaninindigan ni Rizal, sumikap siya para makita ng mga tao na ang pag-aalsa ay hindi ang pinakamabuting paraan para magkaroon ng kalayaan.
PANGWAKAS
Pangwakas• Ang nobelang Noli Me Tangere ang pumukaw
sa pagkamakabayan ng mga Pilipino.• Batay sa akda, naipapahayag na ang nais ni
Rizal ay hindi ang pagsiklab ng isang rebolusyon. Kung may pag-aaklas mang mangyayari, dapat may sapat munang lakas at kagamitan.
• Hindi makakabuti ang paghihiganti.
Maraming Salamat!©Osano at Lingcon 2011.