Sino Ka Ba Jose Rizal Libretto

23
Sino Ka Ba, Jose Rizal? KORO Jose Rizal, Dr. Jose Rizal (Jose Rizal, Dr. Jose Rizal) Ikaw raw ay bayani ng bayan (Ang buhay mo’y pinag-aaralan) Kahit musmos alam ang iyong pangalan (Ang iyong dating ay parang si Superman) May monumento ka kahit saan (Kayrami-rami mong nalalaman) Ngunit sino ka, sino ka ba Sino ka nga bang talaga, sino ka ba Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong singdunong mo Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong katulad mo Duktor, pintor, siruhano, arketekto, iskultor (Bata pa’y nanalo na ng tula at drama) Tunay bang kayrami nga ng alam mo (Nangolekta ng kayraming medalya) Mahusay na manunulat, manunula (Di lang henyo sa isip, pati sa puso pa) Kahit sa mga lengguwaheng banyaga (Nangolekta rin ng mga nobya) Italyano, Aleman, Pranses, Kastila (Nelly, Josephine, Gertrude Leonor, Leonor, Segunda at marami pang iba) Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong singdunong mo Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron nga bang taong katulad mo Ngunit sino ka, sino ka ba Sino ka nga bang talaga, sino ka ba Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron bang Pinoy na kasinggaling mo Sino ka ba Jose Rizal, sino ka ba Mayron bang Pinoy na katulad mo Isinilang ang Kapatid Ko NENENG Isinilang ang kapatid ko Disinuebe ng buwang Hunyo Mil ocho cientos sesenta y uno Pagitan ng alas onse’t Alas dose ng gabi Nang niluwal yang si Jose Bago bumilog ang buwan Yan ang natatandaan Si ina ay lubhang nahirapan FRANCISCO Si Paciano at si Jose Tanging anak na lalake Ang siyam ay puro babae PACIANO Sampu silang kapatid ko Si Jose ang ikapito Sampung taon ang tanda ko FRANCISCO Siya’y lumaking masunurin Takot sa Dios, masimbahin Sa ina nagsimula ng aralin TEODORA Mali-mali ang iyong pagbasa O inaantok ka lang ba O naglalakbay na naman ang iyong isipan RIZAL Naaaliw lang po ako Sa munting gamugamo Paikut-ikot sa apoy Tuwang-tuwa, gustong-gusto TEODORA May kasaysayan dito Tungkol sa isang gamugamong Matigas ang ulo RIZAL Tulad ko po ba ang gamugamong iyan Na mahilig magtanong Ng kung ano at kung saan TEODORA Shh.. Makinig ka na lang..

description

sino ka ba

Transcript of Sino Ka Ba Jose Rizal Libretto

Sino Ka Ba, Jose Rizal?

KOROJose Rizal, Dr. Jose Rizal(Jose Rizal, Dr. Jose Rizal)Ikaw raw ay bayani ng bayan(Ang buhay mo’y pinag-aaralan)

Kahit musmos alam ang iyong pangalan(Ang iyong dating ay parang si Superman)May monumento ka kahit saan(Kayrami-rami mong nalalaman)

Ngunit sino ka, sino ka baSino ka nga bang talaga, sino ka ba

Sino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron nga bang taong singdunong moSino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron nga bang taong katulad mo

Duktor, pintor, siruhano, arketekto, iskultor(Bata pa’y nanalo na ng tula at drama)Tunay bang kayrami nga ng alam mo(Nangolekta ng kayraming medalya)

Mahusay na manunulat, manunula(Di lang henyo sa isip, pati sa puso pa)Kahit sa mga lengguwaheng banyaga(Nangolekta rin ng mga nobya)

Italyano, Aleman, Pranses, Kastila(Nelly, Josephine, Gertrude Leonor,Leonor, Segunda at marami pang iba)

Sino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron nga bang taong singdunong moSino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron nga bang taong katulad mo

Ngunit sino ka, sino ka baSino ka nga bang talaga, sino ka ba

Sino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron bang Pinoy na kasinggaling moSino ka ba Jose Rizal, sino ka baMayron bang Pinoy na katulad mo

Isinilang ang Kapatid Ko

NENENGIsinilang ang kapatid koDisinuebe ng buwang HunyoMil ocho cientos sesenta y uno

Pagitan ng alas onse’tAlas dose ng gabiNang niluwal yang si Jose

Bago bumilog ang buwanYan ang natatandaanSi ina ay lubhang nahirapan

FRANCISCOSi Paciano at si JoseTanging anak na lalakeAng siyam ay puro babae

PACIANOSampu silang kapatid koSi Jose ang ikapitoSampung taon ang tanda ko

FRANCISCOSiya’y lumaking masunurinTakot sa Dios, masimbahinSa ina nagsimula ng aralin

TEODORAMali-mali ang iyong pagbasaO inaantok ka lang baO naglalakbay na naman ang iyong isipan

RIZALNaaaliw lang po akoSa munting gamugamoPaikut-ikot sa apoyTuwang-tuwa, gustong-gusto

TEODORAMay kasaysayan ditoTungkol sa isang gamugamongMatigas ang ulo

RIZALTulad ko po ba ang gamugamong iyanNa mahilig magtanongNg kung ano at kung saan

TEODORAShh.. Makinig ka na lang..

Gamugamong Munti

TEODORAGamugamong munti sa apoy ay naakitIna ay nangamba, binalaang huwag lumapitInit ng apoy na nakahahalinaInit ng tukso’y ang sa iyo humihila

Sa dulot na liwanag ay huwag kangmahumalingSa dulot na liwanag ika’y aangkininGamugamong munti ay pailing-ilingAno kaya itong pinagkakait sa akin

Paglisan ng ina, gamugamo ay nagpasyaUnti-unting lumapit sa apoy ng lamparaHabang lumalapit kanyang nadaramaKaysarap ng init, di dapat mangamba

At siya nga’y binulag nitong kapusukanLumapit nang lumapit, walang pakundanganKaysarap na init, biglaang bumagsikAt siya ay tinupok, singbilis ng saglit

NENENGAy anong sakit, anong hapdi ng sinapitAy anong lungkot, anong tindi, anong lupit

RIZALGamugamong munti sa apoy ay nahalinaAng takot ng ina ay hindi nya alintanaInit ng apoy na nakahahalinaInit ng tukso’y sa kanya humila

Ang dulot na liwanag nag-aalok ng initAng dulot na liwanag ay napakarikitGamugamong munti ay mapalad na rinTupok man ang pakpak, ang pangarap aynaangkin

TEODORAMayrong aral diyan na dapat mong matutunanSinag ng karunungan huwag gaanong lapitan

RIZAL Ngunit ang liwanag ay napakarikitMatupok man ako, maluwalhati ang pait!

Que Bobo Bobo

PACIANOMadalas tuksuhin si JosePagkat ang ulo niya’y malakiMadalas biruin si PepengPepe Pepe, ulo ay higante

BOYPepeng tarat, Pepeng taratGIRLLumalaki ang ulo kapag nagugulatRIZALPaglaki ko makikita ninyoUlo ko’y gagawing monumento

PACIANOSa bayang Binyang nag-eskwelaNENENGNag-aral ng Latin, pagsulat, pagbasaFRANCISCONgunit sa Binyang ay di sya masayaDoon ika niya’y di kaiga-igaya

PACIANOPinasok ko sa Ateneo de ManilaKailangan pang gumamit ng influenciaFRANCISCOAt ang ginamit na apelyidoRizal sa halip na Mercado

Dahil sa pagkasangkot sa kasoNi Burgos nitong si Paciano

PACIANOAt siya ay nangaseraSa bahay ni Doña PepayDoon pala kalabas-labasa’yKalokohan ay panay

KAKLASE1Di siya gaanong magaling sa KastilaNang bagong dating sa Maynila

KAKLASE2Masyado itong maramdaminMasyado pating matampuhinKAKLASE3Nang minsan siya’y napagdisketahanNg isang maestrong hibang

Naku di maawat-awat si JoseNagmukmok araw at gabi

MAESTROAy que bobo bobo boboKe bobo bobo bobo moAy que bobo bobo boboKe bobo bobo mo

Nagtatangka pang mag-aralKung sumagot ay kaybagalEspañol na butal-butalBuhol-buhol, nauutal

MAESTROAy que bobo bobo boboKe bobo bobo bobo moAy que bobo bobo boboKe bobo bobo mo

KAKLASEMagtimpi ka Jose RizalHayaan nang siya’y magdadadaldalMatandang ya’y talagang hangalAt sadyang malupit ang asal

RIZALSiya ang que bobo bobo boboPagkat di nya nalalamangSiya pala ay que bobo boboAng maestrong timang

Tingnan mo ang mga EspañolKahit na ang leksyon ay nasa EspañolPati na ang mga propesorPag nagtuturo ay Español

Di pa rin nila nasasakyanAng leksyon di maintindihanSamantalang dehadong IndioSandali lang ay intiendidoSobresaliente ang grado

RIZALSino ngayon ang katangi-tangiKAKLASEMga puti ba o kayumanggiRIZALSino ngayon ang kapuri-puriKAKLASEAt mas matino ang lahi

RIZALSino ang tunay na mas mapurolMga Indio ba o mga EspañolSino ang tunay na mas matalasKitang-kita at namamalas

LAHATSino ngayon ang que bobo boboPasalamat ka nga maestroAt kami’y di naging ke boboKahit ke bobo mo

Kalamba Hanggang Santa Cruz

PACIANONaroroon nag-aaral nang ina’y nasakdalNENENGPinukol ng bintang na gawa-gawa langFRANCISCOHipag ay nilason daw, muntik nang mamatayPACIANOAt nagsipaglitaw mga lihim na kaaway

TEODORAKalamba hanggang Santa CruzPara akong kandilang nauuposDarang sa titig ng mga naawaAt hatid-hatid ng bulungang nangungutya

Kalamba hanggang Santa CruzTinik na landas di matapus-taposSa bawat yapak puso’y nagdurugoSa bawat hingal kahihiya’y gumuguho

RIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, InaAkala ko’y kaibigan natin silaTinanggap ng buo sa ating tahananAng sukli sa inyo ika’y parusahan

Ano’ng ginawa nila sa iyo, InaAkala ko’y kaibigan natin silaSa harap ng madla, hinamak, hiniyaParang isang kriminal, pinalakad, kinaladkad

TEODORAKalamba hanggang Santa CruzRIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, InaTEODORAPagpapahirap na lubus-lubosRIZALAkala ko’y kaibigan natin sila

PAMILYAPagkamuhi sa atin, bakit ganun na langPagkamuhi nila’y parang walang hanggan

TEODORAKalamba hanggang Santa CruzRIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, InaTEODORA Puri’t pangalan ay binusabosRIZALAkala ko’y kaibigan natin sila

PAMILYAAng Korte Suprema sa wakas nagpasyaDoña Teodora, walang pagkakasala

TEODORA Kalamba hanggang Santa CruzRIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, InaTEODORA Kalamba hanggang Santa CruzRIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, InaTEODORA Kalamba hanggang Santa CruzRIZALAno’ng ginawa nila sa iyo, Ina

Kalamba

RIZALKalambaLabis akong nangungulila, KalambaIlang patak ng luha angTumakas sa aking mataSa mga gabing naaalala kaBayan kong sinta

KalambaAng lahat ng nilalaman nitong dibdibAng lahat ng tanawin mongLaging buhay sa aking isipLahat ng minahal, lahat ng dinasalLahat ay nagmula, dito nag-umpisaSa bayan kong sinta, Kalamba

Damhin mo ang bighani ng MakilingHabang niyayapos ng takipsilimTuklasin ang hiwagang nililihimMay dilag bang sa puso mo’y nahihimbing

Duda Ako

KAIBIGAN1Pabasa, pabasa ng tulang sinulatPatingin, patingin, diwa ba’y malawak?KAIBIGAN2Ito ba’y gawa mo, sulat mo ba ito?KAIBIGAN1Ang galing, ang husay kung talagang sa iyo

LEONCIODuda ako, dudang-duda akoKung ikaw nga Jose ang sumulat nitoKamangha-mangha, kaylalim-lalim na tulaDi maaring isang bata ang gumawa, kaya

Duda ako, dudang-duda akoKung ikaw nga Jose ang sumulat nitoAng duda ko, ang may kathaIsang kilala’t batikang makata

RIZALAno’ng akala mo, nangongopya akoLumikha ng tula ay di ko magawa?Ibig mo bang utak ko ay buksanNaroon ang tulang doon ko nilinang

LEONCIODuda ako, dudang-duda akoKung ikaw nga Jose ang sumulat nitoAng duda ko, ang may kathaIsang kilala’t batikang makata

RIZALIbig mo bang puso ko ay buksanNaroon ang tulang hinahangaan

LEONCIODuda ako, dudang-duda akoKung ikaw nga Jose ang sumulat nitoAng duda ko, ang may kathaIsang kilala’t batikang makata

RIZALAng duda ko, ang duda moAy isang inggit ng paring masungit

LEONCIODuda ako, dudang-duda akoKung ikaw nga Jose ang sumulat nito

RIZALPadre Leoncio, dudang-duda rin akoKung tulang ganito ay magagawa mo

BOTHDuda ako!

Abogado

NENENGKumusta, kumusta, kumustaIlang medalya na ang iyong nakolektaRIZALMadalas ako’y may karamdamanNgunit marami na ring nakamtan

PACIANOKailangang magpatuloyKailangan pang mag-aralMagsunog, magsunog ng kilay

Ano bang kurso’ng kukunin mo?

RIZALMas makakatulong ako sa maraming taoKung ang kursong kukunin koKapatid na Paciano, ay pag-aabogado

PACIANOAhh abogado.. Abogado?!

Ang abogado ritoAy hindi talaga totoong nag-aabogadoKontratista o maestroMagsasaka, hacienderoPero nunca abogado

Mag-medisina, magsulat o magpintaOptalmolohiya, mata ni ina’y malabo naMag-inhinyero o kahit anong kursoPero huwag na huwag na huwag kangMaging abogado

Saan kumikita ang abogadoSa pagtanggol ba ng panig ng tama o panlolokoTama ang pera kahit maliKapatid na Jose, kaya ba yan ng iyong budhi

RIZALLiteratura ang tunay kong hiligMga tula at nobela ang tunay kong pag-ibig

PACIANOSepulturero o tagatulak ng barkoPero huwag na huwag na huwag na huwag kangHuwag na huwag na huwag na huwag kangHuwag na huwag na huwag kangMaging abogado!

Leonor, Leonor

CHENGGOYPepe aking kaibiganTayo ay magsaya namanMahirap yang puro aralPuso’y pagbigyang minsan

RIZALChenggoy aking kaibiganTandaan tiyakin mo langTiyaking sa tamang LeonorIabot ang mga liham

CHENGGOYTamang Leonor, maling LeonorBaka magkabuhol-buholAng kay Leonor ay kay LeonorMedyo magulo, nakakaulol

RIZALItong isa ay kay LeonorItong isa ay kay LeonorChenggoy aking kaibiganHuwag mong pagpalitin por favor

CHENGGOYRiverang Leonor, Valenzuelang LeonorSino ba ang tunay mong inaamor?

RIZALSi Leonor.. Si Leonor..

Leonor, Leonor, Leonor, LeonorMi solamente amor

Tuwing na lang naririnig ang pangalangLeonor, LeonorMay kung anong lumulukso sa dibdib koLeonor, Leonor

Tuwing ang mukha mo’y nasisilayanLeonor, LeonorMay kung anong tumutunaw sa tuhod koLeonor, Leonor

Leonor, Leonor, Leonor, LeonorMi solamente amor

Sa paghimbing lagi kang panaginipLeonor, LeonorSa paggising lagi kang nasa isipLeonor, Leonor

Tuwing nasasagap ko ang iyong tinigLeonor, LeonorMay awit na naririnig sa paligidLeonor, Leonor

Leonor, Leonor, Leonor, LeonorMi solamente amor

Kapag natatabunan ng ulapAng nanonood na buransAng dilim ng matang Leonor, LeonorLaging kumikinang

Kapag napupukaw ng hanginAng init ng katanghalianHalimuyak ng aking Leonor, LeonorLaging naiiwan

Leonor, Leonor, Leonor, LeonorAng buong araw ko, ang buong buhay koAng buong mundo ko, Leonor, Leonor

Leonor, Leonor, Leonor, LeonorPuso’t kaluluwa ko, isip at diwa koLahat ng ito, O Leonor, Leonor

Leonor, Leonor, Leonor, LeonorMi solamente amor

Dapat Ikaw

INDIOHuwag po! Huwag po!ASAWAMaawa po kayoINDIOHuwag po! Huwag po!ASAWAPatawarin po ninyo

GWARDYAMagbayad ng buwis o makalabosoDoon sa piitan mabubulok kayo

PACIANOHuwag na, huwag na, maawa na kayoRIZALHuwag na, huwag na, kuya Paciano

PACIANOSapagkat sinakop, sapagkat dinahasSapagkat ginahis ng bayang malakas

Itong ating baya’y bayang walang lakasBayang binusabos, bayang naghihirap

RIZALHuwag padalus-dalos, ingatan ang hakbangAt ang bawat balak dapat paghandaan

PACIANOIsa sa atin dapat mangibang bayanDoon hasain sandatang karununganTalas ng utak ating panlalabanUpang ating baya’y bigyang katarungan

RIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikaw

PACIANOAko’y di pwede dahil ako’y markadoGulo sa Cavite, naaalala moAko’y nasabit, muntik maarestoKay Burgos nadawit na kadormitoryo

RIZALSi Padre Burgos, Gomez at ZamoraAy ginarote kahit walang salaPACIANOKaya dapat ikaw, di ka delikadoApelyido’y Rizal at hindi Mercado

RIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikaw

RIZALBaka si ina lalong mag-alalaNi ayaw niyang ako’y mag-aral sa MaynilaPACIANOAting ililihim, di niya malalamanTanging si Ate Neneng ang ating sasabihan

RIZALSaan kukuha ng malaking panggastosPACIANOAko ang bahala, ako’ng magtutustosLaging alalahanin ang ating sumpaanAng isa sa atin maglingkod sa bayan

RIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikaw

PACIANOAting sumpaa’y sumpang walang hangganRIZALIbuhos ang buhay, sa bayan ilaan

PACIANO Di mag-aasawaRIZAL Di mag-aasawa?!PACIANO Di mag-aasawaRIZAL Di mag-aasawa?!

RIZAL Aba’y dapat ikaw!PACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikawRIZAL Dapat ikawPACIANO Dapat ikaw

Taimis

LEONORChenggoy aking kaibiganAno ang nalalaman moNasaan ang iyong kaibigangMay-ari ng puso ko

CHENGGOYDi ako magkakailaBaka lalo lang lumubhaSi Pepe’y umalis naMag-aaral sa España

LEONORHuwag mo akong biruinAno ba ang totooHuwag mo sanang laruinAng tiwala’t pag-ibig ko

CHENGGOYLeonor, Leonor, Leonor, LeonorPatawad ngunit ang totooLeonor, Leonor, Leonor, LeonorLumisan na si Pepe mo

LEONORBakit ka ba lumisang di nagpaalamSino ba ako na basta mo na lang iniwanan

Bakit pa ba nilihim ang iyong pag-alisDi man lang naisip na iiwa’y hinagpis

Bakit pinagdamutan, bakit pinagtaguanKahit konting paalam, bakit mo pinagkait

Ako ba ay nagkulang at dapat parusahanDi man lang dumaan, di man lang naglaanNg kahit kapirasong saglit

Kahit na ilang ulit basahin ang iyong lihamNi kaunting pahiwatig walang nilalamanNang huli tayong magkita, akin pang naaalalaKinabukasan natin ang pinipinta

Ano’ng kinabukasan, ano’ng maaasahanKung wala ka rin lang, para que, para saanBuhay ko ay walang kahulugan

Bakit ka ba lumisang di nagpaalamParang ang pag-ibig ko’y walang kabuluhanBakit mo sa akin nilihim, ano ba ang iyong nais

Sadya bang nais nang limutin si TaimisSadya bang nais nang limutin si TaimisSadya bang nais nang limutin si Taimis

Di Na Nakapagpaalam

RIZALDi na nakapagpaalamKahit saglit man lamangNakapiling kang muliAt nakausap sandaliNaalayan ng tulaO awit na maikli

Di na nakapagpaalamKahit saglit man lamangNasilayan kang muliNadapuan ng ngitiNatapunan ng halikGiliw ko kahit munti

Di na nakapagpaalamKahit saglit man lamangPaliit nang paliitPalayo nang papayaLigayang kahapon langAy yakap-yakap ko

Di na nakapagpaalamKahit saglit man lamangPawala nang pawala

Palabo nang palaboAng pangakong pagsintangMatapat na pagsuyo

Di na nakapagpaalamKahit saglit man lamang

España, España

Sa loob ng barkong patungong Espanya.

ESPAÑOLESNasasabik sa kalamigangAming muling maramdamanAt ang iba’t iba mong klimangMalaon nang inaasam

RIZALAsahan mong panay reklamoAng iuuwi sa iyoGayong sila’y nagpasasaSa bayang di nila bansaAt nagkamal na ng husto

LAHATEspaña, EspañaMga anak mo’y naririyan naEspaña, EspañaMadre mia, como esta?

ESPAÑOLESO kaybilis ng pagbabagoO kaybilis ng iyong pulsoAng buhay na sibilisadoAng buhay ko sa piling mo

RIZALDating muchacho’t panaderoAt pipitsuging sundaloSa pag-alis no dineroSa pagbalik Don TiburcioDaig pa ang may dukado

LAHATEspaña, EspañaMga anak mo’y naririyan naEspaña, EspañaMadre mia, como esta?

ESPAÑOLESKami’y mistulang bagong gisingSa matagal na paghimbingKami’y salat sa bagong siningSa bagong dunong salat din

RIZALParang mga hayok na lawinSa ganid kung ihahambingMga matang matatalimWalang ibang lunggatiinKundi bulsa ay punuin

LAHATEspaña, EspañaMga anak mo’y naririyan naEspaña, EspañaMadre mia, como esta?

Kaysarap isiping uuwi na rin!

Circulo Hispano-FilipinoProyekto

Circulo Hispano-Filipino

LAHATSimulan na natin at umpisahanPulong-pulong natin, ng ating samahanCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino

ATAYDETayo ba’y kumpleto na’t nariritoREGIDORKailan pa ba naging tayo ay kumpleto

LAHATCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino

ATAYDE Maximo PaternoJAENA TulogATAYDE Graciano JaenaM.PATERNO SabogATAYDEPedro Paterno, Dela Serna at Rizal

ATAYDE Maximo ViolaLUNA ExcuseATAYDE At Juan LunaVIOLA PaosATAYDEJugo, Sanciangco, Esquiveles at Vidal

ATAYDE LeteLETE Si!ATAYDE ZaragosaZARAGOSA Hola!

ATAYDE AguirreAGUIRRE Yow!ATAYDE VillanuevaVILLANUEVA Moi!

FIGUEROA AtaydeATAYDE Huh?! FigueroaFIGUEROA Achtung!ATAYDE RegidorREGIDOR Ole!

MATATANDASamahan ng mga katutubo at creoleMGA BATASamahan ng mga Indio’t Español

LAHATCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino

LUNASeñor Atayde, ako’y may mungkahiATAYDETeka muna, mabunying Juan LunaJAENAPwede kaya na ako ang maunaESPAÑOL 1Kayong bata, matatanda ang pakinggan

PATERNOPunto de vistang kabataanAng inyong kinakailanganESPAÑOL 2MapusokUmuusokKonting kibot!

LAHATSamahan ng mga bata at matandaDi magkasundo, samaha’y sumasamaCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-FIlipino

ATAYDEKoleksyon, koleksyon, bunutin ang sinuksokCirculo’y di iikot kung pera’y di papasok

LAHATCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino

JAENA

Mga retirado, mga pensionadoKayo ang mag-ambag para sa CirculoLUNAKaming estudyante, kapos palagiKulang pa na pansugal at pangkape

LAHATAsosasyong walang kwenta ay itigil naWalang misyon, walang kusa at walang peraCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino

RIZALHuwag iwanan ang ating minimithiHuwag lumisan at magsama-samang muli

LAHATCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-Filipino

Simulan na natin at umpisahanSimulan ang di masimu-simulanCirculo Hispano-FilipinoCirculo Hispano-FIlipino

Proyekto

RIZALAko ay may proyekto, ako ay may mungkahiIsang libro..

LUNATungkol saan?RIZALTungkol sa ating lahi

LAHAT Ano? Ano? Ano?RIZAL Teka, makinig kayo..LAHATSi RIzal ay may proyektong isang libro

RIZALMga sinulat ko at mga sinulat n’yoAy hiwa-hiwalay at walang epektoNgunit kung kolektahin atpagsasama-samahinIsisilang ang librong tungkol sa bayan natin

ESPAÑOL 1Teka, teka, yang libro, ano’ng kabuluhanBa’t ililimbag kwento ng ating bayan

RIZAL

Mundo’y walang alam kung saan ang bayannatinKung tagaroo’y unggoy o uhugin

PATERNOMaganda! Maganda! Aba’y umpisahan naESPAÑOL 1Nangangarap, nangangarap, Nangangarapkayo

ESPAÑOL 2Makaalis na nga at nang matigil naMga walang katuturang usapang ito

RIZALKayo na lang ang aming tanging maaasahanBatang magigiting, kami rin ba’y iiwan?

MGA BATAKami’y sumasang-ayong gawin yang libroPero teka, mag-aliw-aliw muna tayo

RIZALAy kayhirap-hirap pagsama-samahinJAENAAy kayhirap-hirap pagbuklod-buklurinRIZALAy kayhirap-hirap nga namang intindihinLAHATNitong mga Indiong kababayan natin

LUNANang magsimula’y punong-puno ng planoJAENANang maglaon na’y kanya-kanya, talo-taloRIZALPanahon nang mabago ang ugali nitong IndioLAHATMay pag-asa pa kayang tayo ay magbago

RIZALMay pag-asa pa kayaLAHATMay pag-asa pa kayaRIZALMay pag-asa pa kayang tayo ay magbago

Magdiwang!

PATERNOMagdiwang! Magdiwang!Ibuhos ang champanNanalo, nagwagiAng ating kababayan

Ang obra maestra ni Juan LunaIsa sa nanguna

JAENAAng Spoliarium?PATERNOAlin pa!

JAENAIlan ba’ng nakalaban ni Luna?LUNAHalos lahat ng pintor sa EuropaSikat na PransesItalyano’t OlandesMga bituin ng bellas artes

JAENASabi sa inyo di patataloAng galing-galing ng FilipinoPATERNOAng hatol ng luponNg magigiting na hukomMedalya de oro ang Spoliarium

LAHATMagdiwang! Magdiwang!Ibuhos ang champanNanalo, nagwagiAng ating kababayan

Magdiwang! Magdiwang!Ibuhos ang champanNanalo, nagwagiAng ating kababayan

RIZALIka’y isang henyong FilipinoSikat ng araw ang tulad moHinahawi mo ang kadilimangKumukubli sa ating bayan

Ipinakita at ipinamalasNa sa bansang FilipinasTaglay na kulturang nagniningningSa Europa’y maihahambing

LAHATMagdiwang! Magdiwang!Ibuhos ang champanNanalo, nagwagiAng ating kababayan

LUNA

Salamat, salamatAko’y nagagalakPuso’y umiindakPara akong naiiyak

Ang nilikha kong SpoliariumAy binuhusan ng dunongIsang marubdob na mensahengAking kinulayan ng emosyon

Sa hilakbot ng kalawakanMay tinig ng kapighatianAwa’t hustisya’y hinihingiTinig ng naaapi

LAHATMagdiwang! Magdiwang!Ibuhos ang champanNanalo, nagwagiAng ating kababayan

Magdiwang! Magdiwang!Ibuhos ang champanWala na, wala naWala na ang champan!

Magdiwang! Magdiwang!Magdiwang! Magdiwang!Magdiwang! Magdiwang!Magdiwang!

Willkommen

BLUMENTRITTGinoong Jose RizalAking ikinararangalNa kayo ay makilalang personal

RIZALKami ma’y nasisiyahanHerr Blumentritt na kaibiganNg aming baya’t kayo’y nakamayan

BLUMENTRITTMga kaibigan koMula sa kabilang mundoDi ko akalaing kay bata pa nyo

Ang buong siyudadSa inyo’y nag-aabangSampu ng peryodistangIbig makipanayam

GERMANS

Willkommen! Willkommen!Herr Rizal, Willkommen!Willkommen, Herr Jose Rizal

FILIPINOSKami po ay karaniwangMga taong simple lamangDi naman dapat pagkaguluhan

BLUMENTRITTMga liham mo sa akinDunong na kaylalim-lalimKay Socrates ay maihahambing

JOSE RIZALAko man ay humahangaSa iyo, Alemang DakilaNag-aaral ng sarili kong wika

At sa puso ko’t isipanDalubhasa kong kaibiganAsahang di ka lilisan kailanman

GERMANSWillkommen! Willkommen!Herr Rizal, Willkommen!Willkommen, Herr Jose Rizal

Willkommen! Willkommen!Herr Rizal, Willkommen!Willkommen, Herr Jose Rizal

Utang

VIOLATingnan mo ang iyong itsuraIka’y mukhang latang-lataTinakasan na nga yataNg dugo ang iyong mukhaTinamaan na ng salotAng iyong kaluluwaPati na ang iyong anino’yMapanglaw, namumutla

Kahit na ika’y dilatTulog ang iyong mga mataMga bulate mo’yAtat na atat na na pumirmaPara kang manggang binuroO puntod na kinalburoAno ba? Ano ba!Ang nangyayari sa yo?

RIZAL

Mabigat pa kaysa riyanKaibigang MaximoAng sidhing dinaramdamSa loob ng dibdib koKailangan ng dagdagNa limangdaang pisoUpang maipalimbagAng sinulat kong libro

VIOLAAng Noli Me Tangere?

Hayaan mong ika’y tulunganEto ang tatlong daanDalwang libong kopya rinAng maiimprenta niyan

RIZALHuwag na, huwag na MaximoYan ay perang ipon moHihingi na lang uli akoKay Kuya Paciano

VIOLAWala ka bang tiwalaSa sinulat mong libro?Ako nga ay hangang-hangaSa mga trabaho mo

O, Jose RizalNakatitiyak akoPerang pahiram sa iyoAy mababayaran mo

Nabasa Mo Na Ba ang Noli?

KORONabasa mo na ba ang Noli?Nabasa mo na ba ang Noli?Ano ang iyong masasabiSa Noli Me Tangere?

Masasaktan ang mga frayleMagpuputok ang mga frayleMatitiis kaya nila’ngNobela ni Jose

RIZALAno na nga ba ang nangyariSa pinadala ko sa España?VIOLAAyaw padaanin sa AdwanaKailangan daw munang mabasa

HIDALGONgunit sa Hongkong dumating naKinakalat ni Jose BasaJAENAAng opinyon ko ay wala paE, wala pa naman akong kopya

KORONabasa mo na ba ang Noli?Nabasa mo na ba ang Noli?Ano ang iyong masasabiSa Noli Me Tangere?

Masasaktan ang mga frayleMagpuputok ang mga frayleMatitiis kaya nila’ngNobela ni Jose

CHENGGOYLiham mula sa isang frayleLaking galit sa iyo Pepe

RIZAL (reading letter)Ikaw ay napaka ingratoKung ikaw man ay may reklamo

Kami’y hamunin ng harapanDi ka namin tatakbuhanNgunit sa lihim na kamayBaka ka lang mapaslang

CHENGGOYSi Regidor nabasa naMula sa Londres ang liham niyaKanyang sarili ay nakitaSa katauhan ni Ibarra

Nagkalat ang mga polyetosAng Noli ay binabatikosPagkondena ay labis-labisNi Padre Font at Rodriguez

VIOLASi Del Pilar ay may pangontraPolyetos nila ay kinopyaAng argumento dun sa loobAy wikang Tagalog

ARSOBISPO PAYOMula sa unibersidadComite espesyal ay buuinAng Noli ay masusing suriinKung ipagbawal at samsamin

HIDALGODoon sa Bazaar Gran BritañaDoon sa may EscoltaMayron na ngang mga kopyaNagbebenta na sila

PADRE FONTEskandaloso! Heretico!Hindi lang yan, subersibo!Ang mungkahi ng komiteAy ipagbawal yang Noli

Ipagbawal ang importasyonReproduksyon, sirkulasyon

BARRENTESKuro-kuro ng mga personaDun sa kanyang librong madramaAy kuro-kurong walang dudaNa kuro-kuro din niya

RIZALHindi ang aking pagkataoMga tauhan sa aking libroHindi ako si IbarraAt si Ibarra’y di ako

PADRE GARCIABinasa kong paulit-ulitAng Noli at walang nasilipWalang base kahit ipilitAng kaso ni Padre Rodriguez

Ang binatikos ni RizalAbuso ng indibidwalNangangasiwang tauhanHindi mismo ang Simbahan

GOV. TERREROMga nag-uudyok sa akinNa ikaw daw ay usiginDi ko sila pinapansinNgunit mungkahi ko’y dinggin

Bayan ay muling lisaninBayan ay muling lisanin

KORONabasa mo na ba ang Noli?Nabasa mo na ba ang Noli?Ano ang iyong masasabiSa Noli Me Tangere?

Nagngingitngit ang mga frayle

Nananakit ang mga fraylePumuputok ang butseWala akong paki!Indios Bravos

DEL PILARAng lathalaing sariling atinSa wakas ay naimprenta rinReporma ay ating ipamahayagViva! La Solidaridad!

Ito ang pahayagangMagsasabi ng totooIhayag sa buong mundoIndio’y hindi utak-tsonggo

LAHATIndios Bravos! Indios Bravos!Indios Bravos! Indios Bravos!

RIZALMula ngayon ay manindiganSa bagong kaisipanJAENAHah ha! Mga Indiong mabababaNgayon ay taas-baba

DEL PILARMga Indiong mabababaAng bansag na pangutyaRIZALBakit di natin gawin itongBansag na dakila

LAHATIndios Bravos! Indios Bravos!Indios Bravos! Indios Bravos!

RIZALMula ngayon di yuyukoTaas-noong nakatayoDEL PILARMula ngayon kayumanggiAy kulay na itatangi

JAENAMas lalo nang ipaglabanAting angking karapatanAt tayo’y itatanghalNa isang lahing marangal

LAHATIndios Bravos! Indios Bravos!Indios Bravos! Indios Bravos!

Indios Bravos! Indios Bravos!Indios Bravos! Indios Bravos!

Indolente

RIZALKinukutya nila tayoTamad daw ang PilipinoHindi raw aasensoKung hindi magbabago

JAENAAno’ng ugaling babaguhinAng panghamak nila sa ‘tin?Na tayo’y lahing batuganMakupad, puro mangmang

RIZAL/JAENAIndolente! Ignorante!Tayo raw walang silbiQue tamad e, que tanga eCochinos indecente!

RIZALAba’y para namangDios ay kaylupit-lupitLumikha ng lahiNa kaypangit-pangit

Aba’y para namangSa kulay lang ng balatAy isusumpa ka naAt di na aangat

RIZAL/JAENAIndolente! Ignorante!Tayo raw walang silbiQue tamad e, que tanga eCochinos indecente!

RIZALDadaganan ka naAt sasakluban paIipitin ka naAt pipilipitin pa

Mga doña’y tingnan nyoOpisyales ng gobyernoZapaterong tinyenteAt matatabang frayle

RIZAL/JAENAIndolente! Ignorante!Sila ang walang silbi

Abusado! Peste! Leche!Cochinos indecente!

Abusado! Peste! Leche!Cochinos indecente!Abusado! Peste! Leche!Cochinos indecente!

Sa Ulan, Sa Lamig, Sa Lungkot

DEL PILAREto ang sabaw na mainitGising na Gracing, gising na GracingJAENAKaysama-samang panaginipUmiinom ako’y di malasing-lasingRIZALPuro ka biro Gracing

DEL PILARMay balita ba sa Maynila?RIZALWalang pagbabagoKayo, may balita ba kayo?JAENANatatanggap ko ay puro sulatPuro salita, puro satsat

Kumusta, kumusta, kumustaSa liham kaydalas n’yong tinatanongKalagayan nami’y ano naNais nyo bang malaman ang tugon

Kaydalas nagdarahopSa gutom ay nanlalambotAng pighati sa puso ay nanunuot

TRIOSa ulan, sa lamig, sa lungkotNakayuko’t nangangatog ang tuhodSa ulan, sa lamig, sa lungkotNaghahanap ng ginhawang masasambot

DEL PILARKumusta, kumusta, kumustaSa liham kaydalas ninyong binabanggitKatayuan nami’y ano naNais n’yo bang malaman ang pait

O kay laking kahihiyanKaibiga’y di malapitanSa lamig, sa lungkot, sa ulan

TRIO

Sa ulan, sa lamig, sa lungkotMga bulsang walang madukut-dukotSa ulan, sa lamig, sa lungkotNaglalakad, namumulot kahit upos

RIZALKumusta, kumusta, kumustaSa liham kaydalas n’yong sinusulatBuhay buhay nami’y ano naNais n’yo bang malamang kaysalat

Ang makabagong daigdigNagmimistulang liblibSa lungkot, sa ulan, sa lamig

TRIOSa ulan, sa lamig, sa lungkotNakayuko’t nangangatog ang tuhodSa ulan, sa lamig, sa lungkotNaghahanap ng ginhawang masasambot

Sa ulan, sa lamig, sa lungkotMga bulsang walang madukut-dukotSa ulan, sa lamig, sa lungkotNaglalakad, namumulot kahit upos

Kumusta, kumusta, kumustaHindi sa ayaw naming kayo’y lumihamKumusta, kumusta, kumustaKundi sa ayaw naming ipaalam..

Di Dapat Umibig

JAENAHuwag tayong masyadong seryosoSa lungkot huwag patataloDEL PILARSimple lang ang gamotKung di ka lubhang kuripot

JAENAAng lunas diyan ay pagsintaBakit di ka pa mag-asawaRIZALHuwag n’yo akong biruinProblema ko’y sapin-sapin

Bakit kaylapit sa akin ng pag-ibigDagling naaakit, agad naririnigTawag ng puso ay kaytamis na awitPaulit-ulit, hindi makaidlip

MGA BABAE

Bakit kaylapit sa akin ang pag-ibigBakit naakit agad itong dibdibPangalan niya ay kaytamis na himigPaulit-ulit, hindi makaidlip

RIZALAko ay nangakong di pagagapiAng hibo ng puso’y isasantabiDi pabubuyo at di palulupigDi patutukso, di padadaig

MGA BABAEBakit kaylapit sa akin ang pag-ibigBakit naakit agad itong dibdibPangalan niya ay kaytamis na himigPaulit-ulit, hindi makaidlip

RIZALBakit kaylapit sa akin ng pag-ibigDagling naaakit, agad naririnigTawag ng puso ay kaytamis na awitPaulit-ulit, hindi makaidlip

MGA BABAEO kaysarap-sarap niyang sumintaWiniwika niya’y kaibang-kaibaPara kang lagi nang sinasambaNapakatangi, napakahalaga

LAHATBakit kaylapit sa akin ng pag-ibigDusa’t pasakit ang tanging hatidRIZALBakit kasi nangakong di iibigDi dapat umibig, di dapat umibig

MGA BABAEDi dapat umibig, di dapat umibigDi dapat umibig, di dapat umibigRIZALBakit kasi nangakong di iibigNagtarak ng tinik sa sariling dibdib

Anong Uring Pagsinta?

LEONORUmalis siyang walang paalamNawala nang kaytagalWalang pasabi, walang lihamIto ba’y pagmamahal

Siya pala’y nakabalik naBakit niya nililihim

Kung ano at nasaan siyaDi man lang iparating

Anong uring pagsintaAnong pag-ibig mayron siyaAnong uring pagsintaAng naroon sa puso niya

Anong uring pagsintaAnong pag-ibig mayron siyaParang mumunting bulaPagsalo’y nawawala

Bakit pa ako umaasaUmaasang huwag sanaSana’y huwag na huwag nawaNa ako’y nilimot niya

Bakit pa ako umaasaNangangarap nang gisingSa badha ng bituinNa kami’y kami pa rin

Anong uring pagsintaAnong pag-ibig mayron siyaAnong uring pagsintaAng naroon sa puso niya

Anong uring pagsintaAnong pag-ibig mayron siyaParang mumunting bulaPagsalo’y nawawala

Bakit pa nananalangingNaroon pa ang pagsintaBakit di pa harapingSiya ay malayo na

Bakit di pa aamininBakit di pa tanggaping

Wala na siya, wala na siyaWala na siya, wala na siyaWala na siya, wala na siya..El Filibusterismo

SIMOUNAng aking misyon at hindi pa taposHayaan mo akong makikipagtuosHanda, mas mailap at mas mabagsikKay Simoun si Ibarra ay magbabalik

RIZAL

Oo, oo, itutuloy koAng makasaysayang kasaysayan ninyoOo, oo, palalalimin koMga tunggalia’t katanungan ninyo

Saan at paano, kailan at gaanoBakit, kanino at sino ang sinoNobelang ito’y mas ganap, mas buoEl Filibusterismo

JAENAKayhusay, kaypino ng mga talataKaykinis, kayklaro ng mga katagaKaylawak, kaylalim ng iyong pandamaKaytalas, kaytining ng iyong pang-unawa

O kayganda, kayhusay na aklatNgunit kulang pa, kulang pa, di pa sapatKung saan hahantong, kung ano ang pasyaKung iniisip mong iisipin nila..

Tiwangwang na tanong, alanganing bugtongAy kapos sa kailangan ng bayan ngayonIkaw ang gabay, ang mitsa, ang hudyatSagutin mo’ng lahat!

Sayang Lang ang Laway

MGA FRAYLEMga walang modo, mga walanghiyaTayo pa ngayon ang mukhang masamaMatapos kumita sa ating lupainTayo pa, tayo pa ang mamasamain

TAGA-CALAMBANagtaas na naman ang ating buwisTalaga ngang tayo’y lubhang ginigipitKung di raw magbayad, sila’y mang-uusigTayo ay lalayas sa tahana’t bukid

MGA FRAYLEAno’ng hinihintay, kumilos na ngayonMagpatumpik-tumpik di makakatulongIndio’y kastiguhin, bigyan na ng leksyonUpang kilalanin tayong Panginoon

RIZAL/JAENASayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España bingi, walang tengaSayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España manhid, batong ina

JAENA

Patuloy na gapos itong FilipinasMga kababayan walang patid ang hirapAno ba ang silbi nitong pagsisikapMeron bang reporma na naipatupad

RIZAL/JAENASayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España bingi, walang tengaSayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España manhid, batong ina

NENENGTulungan n’yo kami, mga kababayanFRANCISCONilimas nila ang aming kasangkapan

TEODORA / PACIANOAng libro! Ang libro! / Matanda'y igalang!TAGA-KALAMBATayong maliliit ang isusunod naman

MGA FRAYLETagumpay! Tagumpay ang ating misyonNgayo’y magtatanda sino mang hahamonMalalim ang latay nitong ating leksyonMagsiluhod lahat, kami’y Panginoon

RIZAL/JAENASayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España bingi, walang tengaSayang lang ang laway, sayang lang ang tintaAng Inang España manhid, batong ina

JAENAAng lahat ng hirap meron bang resultaLungkot, pagod, pawis, ito lang ang bunga?RIZALSayang lang ang laway, sayang lang ang tintaHalinang magbalot, tayo’y umuwi na!

Hongkong

KOROHongkong Hongkong, malayo sa guloHongkong Hongkong, aaliwin kayoHongkong Hongkong, malilimot ninyoHongkong Hongkong, ang sakit ng ulo

TEODORASalamat, sa wakas tayo’y samasamaPamilya’y nabuo, malayo sa dusaRIZALPero bakit ako’y binabagabag paTama kaya itong naging pasya

KOROHongkong Hongkong, malayo sa guloHongkong Hongkong, aaliwin kayoHongkong Hongkong, malilimot ninyoHongkong Hongkong, ang sakit ng ulo

FRANCISCODumarami na ang iyong mga pasyenteDito sa Hongkong tila maglalagiRIZALHindi po Itay, ako po’y uuwiDi matitiis ng aking budhi

TEODORABakit uuwi? Uuwi saan?Ano’ng uuwian, kaaway langFRANCISCOWala na ang tahana’t ari-arianKamag-anak, kapitbahay, kaibigan

KOROHongkong Hongkong, malayo sa guloHongkong Hongkong, aaliwin kayoHongkong Hongkong, malilimot ninyoHongkong Hongkong, ang sakit ng ulo

FRANCISCOBakit uuwi pa, ligaya’y eto naTahanan, klinika at iyong pamilyaTEODORABakit uuwi pa, ano’ng iyong pakayIbig mo na yatang mamatay

RIZALAno ba ang dapat na katakutanAno ba ang aking kasalananAng akin bang mga sinulatMalayo ba sa katotohanan

TEODORAAng mga frayle ay nasaktanSa sinulat mo, alam mo yan

RIZALSinulat kong daing dapat lang dingginFRANCISCOKung Indio’ng humiling ito ay krimen

RIZALKung España ay may dangal at may baitDi magdadamot, di ipagkakaitTEODORA

Buo na’ng isip mo, tumangis man akoAno’ng magagawa ng luha ko

KOROHongkong Hongkong, malayo sa guloHongkong Hongkong, aaliwin kayoHongkong Hongkong, malilimot ninyoHongkong Hongkong, ang sakit ng ulo

RIZALAng buhay ko ay naroroonAng puso ko ay naroroonPangarap ko ay naroroonDapat lisanin ko ang Hongkong

Narinig N'yo Na Ba?

FILIPINOSNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, nagbalik si RizalNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba

MGA FRAYLENarinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, nagbalik si RizalAno’ng balak ng ating kalabang mortal

FILIPINOSNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, nagbalik si RizalLiga’y itatayo, dito iluluwal

MGA FRAYLENarinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNagbalik si Rizal, kumilos ngayon dinHadlangan ang hangal, balak niya’y puksain

FILIPINOSNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na baSa Dapitan tinapon nila si RizalPinalalabas na siya’y isang kriminal

LAHATNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na baMGA FRAYLETayo ay nanaig, tayo’y nagtagumpay

LAHATNarinig n’yo na ba, narinig n’yo ba baFILIPINOSDapat nang tumindig, dapat nang sumuway!

LAHAT (4 times)

Narinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na baNarinig n’yo na ba, narinig n’yo na ba

Dapitan

RIZALDapitan..Ako ba’y dapat magmukmokDahil tinapon sa sulokPalulunod sa hinagpisSa lungkot na labis-labis

KORODapitan..May ilawan sa iyong isipSindihan mo’t maaalisPangungulila sa lamigMga gabi na ligalig

Dapitan.. Dapitan.. Dapitan..Sa dibdib mo’y may tahananLigayang mauuwianKung mapadpad kahit saanKahit saan maparaan

RIZALDapitan..Itatanim sa damdaminSa puso ko’y maghahardinAraw-araw pipitasinAng iyong ganda

Dapitan..Ang iyong buwan at bituinGabi-gabi kwikwintasinAlahas na magniningningSa aking mata

KORODapitan..RIZALPinagtapunan kong Eden

KORODapitan..RIZALKalungin mo’t patahanin

KORODapitan..RIZAL

Kapayapaan mo’yIkumot mo sa akin

KORODapitan..RIZALKapayapaan mo’yIkumot mo sa akin

Karaniwang Araw

TAGA-DAPITANKahit inaantokTama na’ng pahingaAt ang mga manokAy tumilaok naUmigkas, umigtadLumikwas, lumiyadHumatsing, humikab

Kahit nangangatogMag-inat ng brasoSa ginaw ng hamogMagbanat ng butoMagkamot ng katiUminom ng kapeTapos na ang gabi

Isa na namang karaniwang arawNg mga karaniwang mortal nitong mundoIsa pa uling karaniwang arawDito sa munting matadhanang pulo

RIZALMagtayo ng posoAt ng paaralanTumaya sa lottoAt manalo minsanBumili ng lupaMagtanim, kumitaAt magkawanggawa

Maglibot, mangalapMag-ikot, tumuklasNg mga halama’tHayop na likasMakipagsulatanMakitunggalianSa mga kalaban

Isa na namang karaniwang arawNg isang karaniwang mortal nitong mundoApat na taong karaniwang arawDito sa mundong bilangguang pulo

TAGA-DAPITANMag-alaga ng bataLinis, saing, labaMangisda, magsakaAt magpaka-amaMagmano sa pariMag-abuloy ontiPara di mabigti

Kunin ang gitaraUmakyat ng ligawPag nakainom naKumanta, sumayawHanggang sa antukinAng Diyos ay purihinAt nakaraos din..

Sa isa na namang karaniwang arawNg mga karaniwang mortal nitong mundoIsa pa uling karaniwang arawDito sa munting matadhanang pulo

RIZALGumawa ng gusalingMatutuluyanNg mga panauhingGaling kung saanNgunit maya’t mayaAy magpapakitaSa punong kastila

Lumikha ng tula,Magsulat, magbasaGumawa ng talaManggamot ng mataMagluksa, magdusaMalamang patay naAng Leonor kong sinta

Isa na namang karaniwang arawNg isang karaniwang mortal nitong mundoApat na taong karaniwang arawDito sa mundong bilangguang pulo

TAGA-DAPITANMinsa’y may dumatingDayuhang pasyentengMay kasamang dilagMaganda, marilagAt hindi nagtagalSiya ay napamahalSumigla si Rizal!

Estranghera sa Munting Pulo

RIZALDi ka kilala ngunit kakilalaDito sa dibdib di ka estrangheraKahit na ngayon lang tayo nagkitaSa aking mata ay di ka banyagaParang noon pa minahal ka naNasa langit pa iniibig na kita

TAGA-DAPITANEstranghera, EstrangheraAno ba ang iyong dala-dalaEstranghera, EstrangheraAno ba ang iyong pinadarama

JOSEPHINEDito pala sa munting puloNa kaylayu-layoDito pala naghihintayAng katambal na puso

Dito pala sa munting puloSa sulok ng daigdigDito pala nagtatagoAng mailap na pag-ibig

Dito pala matatagpuanAng munting tahananNg lagi nang bilog na buwanAt araw na walang hanggan

Dito pala humahaponDito pala naroroonParuparong nagtitiponNaglalarong mga ibon

RIZALTubig na tahimik ay iyong natinagPuso kong tulog napukaw ng liwanagTabing na sagabal iyong hinawiLumang panaginip kinalag ang taliMay kung anong himig na naririnigKay timyas na huni buhat sa dibdib

TAGA-DAPITANEstranghera, EstrangheroJOSEPHINE (counterpoint)Dito pala humahapon

TAGA-DAPITANEstranghera, EstrangheroJOSEPHINE (counterpoint)

Dito pala naroroon

TAGA-DAPITANEstranghera, EstrangheroJOSEPHINE (counterpoint)Paruparong nagtitipon

TAGA-DAPITANEstranghera, EstrangheroJOSEPHINE (counterpoint)Naglalarong mga ibon

TAGA-DAPITANDito sa aming munting pulo

RIZAL/JOSEPHINEDito pala sa munting puloSa silong ng ulapDito pala mayayakapAng mga pangarap

RIZAL/JOSEPHINEDito pala sa munting puloTAGA-DAPITAN (counterpoint)Estranghera, Estranghero

RIZAL/JOSEPHINEDito sa dulo ng dagatTAGA-DAPITAN (counterpoint)Estranghera, Estranghero

RIZAL/JOSEPHINEDito pala makatatagpoTAGA-DAPITAN (counterpoint)Estranghera, Estranghero

RIZAL/JOSEPHINENg pagsingtang tapat

Rebolusyon

RIZALAyaw ko ng himagsikanAng paggamit ng dahasHangga’t sana maiwasanHuwag digmaan ang landas

Pighati at kasawianAng maghihirap ay bayanKayraming mauulilaMusmos na kaawa-awa

Dahas, galit at pootAng wakas ay anong lungkotKayraming masasangkotMas masidhi, mas sigalot

Ang pasyang padalus-dalosAng sa atin ay uubosKung walang kahandaanHuwag makipagsapalaranIwaksi ang himagsikan!

BONIFACIONgunit yan ang kailanganKung nais ay kalayaanDadaan sa pagdurusa’tSakripisyo ang bayan

Ito’y di na maiwasanTukoy na ang KatipunanDi man natin kagustuhanSaid na ang dahilan

VALENZUELA'Sa sandata tayo’y kulangMagtimpi,' kanyang sabiMayayamang kababayanDi pa natin kakampi

BONIFACIOAng dangal nati’y ibangonTapang at hindi hinahonAng kasalukuyang hamonNg kasaysaya’t panahonAy Rebolusyon!

Anong Uring Kalayaan?

BONIFACIOIbig mong ang baya’y magisingAyaw mong ikaw ay gisinginIbig mong ang baya’y pumiglasAyaw mong ikaw ay itakas

Sa España ika’y nangako’t sumumpaOo na’t ikaw nga’y may isang salitaDatapwa’t alin nga ba ang mas matimbangAng pangako sa España o tungkulin sa bayan

Ibig mong ang baya’y humakbangAyaw mong sila’y pamunuanIbig mong hustisya’y igiitAyaw mong ikaw ay madawit

Tayo ba’y gagamutin ng sumugat sa atinTayo ba’y mumulatin ng bumulag sa atinTayo ba’y tutubusin ng sa ati’y umalipinAt bigyan ng halaga ng sa ati’y gumahasa

Anong klaseng dignidadAnong klaseng katarunganAnong uring prinsipyo’t dangalAnong klaseng pag-unladAnong klaseng kalayaanAnong uri, anong uri, Rizal?

Di ba kaya ng masa dahil di pa handaO dahil sa sila ay ignorante’t dukhaMayayaman kamo ay dapat na kakampiHindi ba’t sila rin ang sa atin ay aapi

Anong klaseng dignidadAnong klaseng katarunganAnong uring prinsipyo’t dangalAnong klaseng pag-unladAnong klaseng kalayaanAnong uri, anong uri, Rizal?

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

KATIPUNEROSAling pag-ibig pa ang hihigit kayaSa pagkadalisay at sa pagkadakilaGaya ng pag-ibig sa tinubuang lupaAling pag-ibig pa, wala na nga wala

Walang mahalagang hindi ihahandogNg may pusong mahal sa bayang nagkupkopDugo, yaman, dunong, katiisa’t pagodBuhay may abuting magkalagot-lagot

Hayo na kayo, kayong nangabuhaySa pag-asang lubos na kaginhawaanAt walang tinamo kundi kapaitanHayo na’t ibigin ang inaabang Bayan

Kayong mga pusong kusang niyurakanNg daya at bagsik ng ganid na asalNgayon ay magbangon, Baya’y itangkakalAgawin sa kuko ng dayuhang sukaban

Kayong mga dukhang walang tanging paladKundi ang mabuhay sa dalita’t hirapAmpunin ang Bayan kung nasa ay lunasPagkat ginhawa niya ay para sa lahat

Aling pag-ibig pa ang hihigit kayaSa pagkadalisay at sa pagkadakila

Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupaAling pag-ibig pa, wala na nga wala

Mabuhay ang Kalayaan!Mabuhay ang Pilipinas!Mabuhay si Jose Rizal!Kamatayan sa España!

Hatol

OLIVEBatay sa mga nakasulat na mga dokumentoAt sa mga patotoo ng maraming testigoLumalabas na si Jose Rizal Mercado y Alonso

Tirahan: Calamba, LagunaGulang: Tatlumpo’t limaManggagamot at binata, yan ang sabi niya

Ay siyang pangunahing tagapag-organisaKataas-taasang pinuno at kaluluwaNg kilusang sa pamahalaan nakikipagdigma

DE ALCOCERSa pagsulat ng Noli Me TangereMGA FRAYLEKamatayan!

DE ALCOCERSa pagsulat ng El FilibusterismoMGA FRAYLEKamatayan!

DE ALCOCERSa pagiging Mason at ProtestanteMGA FRAYLEKamatayan!

DE ALCOCERSa paglait sa relihiyong KatolisismoMGA FRAYLEKamatayan!

DE ALCOCER Sa makamandag napropagandaMGA FRAYLE Kamatayan!DE ALCOCER Sa pagtatag ng La Liga FilipinaMGA FRAYLE Kamatayan!

DE ALCOCER Sa pagtataguyod nghimagsikanMGA FRAYLE Kamatayan!

DE ALCOCER Ang dapat ay kamatayan!MGA FRAYLE Kamatayan!

TOGORESMaliwanag na napatunayan ng korteng itoAng mga pagkakasala ng akusadoDon Jose Rizal Mercado y AlonsoSumalangit nawa ang kaluluwa mo

Maligayang Pasko

MGA FRAYLEMaligayang paskoMasayang bagong taonMga bobong IndioKayganda ng panahon

Maligayang paskoBago matapos ang taonAng bayani ninyoAy aming ililitson

Magdiwang! Magdiwang!Ibuhos ang champanNatalo, nasawiAng inyong kababayan

Magdiwang! Magdiwang!Ibuhos ang champanAting ipagbunyiDoon sa Bagumbayan

Felices pascuas!Feliz año nuevo!Very merry krismasMga Katipunero

Maligayang paskoMangmang na FilipinoSino ang magtatanggolSa tagapagtanggol nyo

Yea, Yesss!

Anak Ko

TEODORAAng sanggol na yapus-yaposMinahal nang lubus-lubosInalagaan, kinumutanBinugawan ng lamok

Ang paslit na akay-akayAng buhay ng aking buhayInawitan, tinuruanUpang inyong mailugmok?

Papatayin ang anak koBabarilin ang anak koBakit, bakit, bakit Diyos ko

Mga punglong kay lulupitItarak sa aking dibdibHuwag na lang, huwag na langHuwag na lang sa aking paslit

Tatanggapin ng puso koAng lahat ng pahirap n’yo

Huwag lang saktanHuwag lang saktanHuwag lang saktanAng anak ko

Ultimo Adios

RIZALAng lahat ng ito, ano ba ang saysayAno ang kapalit, dusa, sakit, lumbayIniwan kong lahat, ang lahat ng mahalSinikil ang pusong inalay sa bayan

Ang lahat ng ito, ano ba ang silbiAng tinipon ko ba’y pawang pagsisisiSa lahat ng ito, ano’ng mapapalaBayan kong iiwan, magliwanag kaya

Adios Patria adorada, region del sol queridaPerla del mar de oriente, nuestro perdidoEdenA darte voy alegre la triste mustia vidaSi fuera mas brillante, mas fresca, mas floridaTambien por ti la diera, la diera por tu bien

KOROPaalam Bayang hirang, lupang hitik sa arawPerlas ng Silanganan, aming naglahong EdenLugod kong iaalay lanta’t hapis na buhayNaging mas marilag man, sariwa’t masmabunga’yHandog man din sa iyo, sa iyong ikagagaling

Ensueño de mi vida, mi ardiente, vivo anheloSalud! te grita el alma, que pronto va a partirSalud! oh que es hermoso, caer por dartevuelo

Morir por darte vida, morir bajo tu cieloY en tu encantada tierra la eternidad dormir

Mithi ng aking buhay, adhikang nagniningasMabuhay! hiyaw ng diwang handa nangmaglakbayO kay timyas pumanaw, tamis ang kamatayanUpang ika’y mabuhay, maitanghal ka lamangSa iyong sinapupunan malaong hihimlay

Adios, kapatid, magulang, kabiyak ng akingdiwaKababatang kaibigan sa tahanang natangaySa nakakahapong araw, salamat at hihimlaynaAdios, dayong magiliw, aking sinta’t ligayaMga mahal paalam, kapahingahang mamatay

Adios, padres y hermanos, trozos del almamiaAmigos de la infancia en el perdido hogarDad gracias que descanso del fatigoso diaAdios, dulce extranjera, mi amiga, mi alegriaAdios, queridos seres, morir es descansar

Reprise

Sino ka ba Jose Rizal, sino ka baO kayyaman-yaman ng iyong mundoSino ka ba Jose Rizal, sino ka baNapakadakilang pamana mo

Jose Rizal, Dr. Jose Rizal(Jose Rizal, Dr. Jose Rizal)Ikaw nga ay bayani ng bayan(Kabayanihang dapat tularan)

Nagpunyagi, nakibaka’t namatay(Naging sawi upang kami’y magtagumpay)Upang ang kalayaan mabuhay(At ang aming bansa’y magkamalay)

Ngunit sino ka, sino ka baSino ka nga bang talaga, sino ka ba

Sino ka ba Jose Rizal, sino ka baBuhay na bumuhay sa bayan koSino ka ba Jose Rizal, sino ka baSino ka ngayon sa bansang ito

Hayy natapos din, ehehe